
Hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang muling iginiit ng Malacañang kasunong ng pahayag ng ilang kongresista na cause of delay si Pangulong Marcos para umusad ng impeachment.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, nasa kamay o kapangyarihan ng Kongreso ang pag-aksyon dito.
Wala ring planong makialam ang Pangulo sa isang bagay sa co-equal branch ng gobyerno na may ekslusibong hurisdiksyon sa impeachment complaint,
Nirerespeto rin ng Pangulo ang Kongreso bilang isang institusyon.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na wala siyang panahon sa impeachment, bagay na itinurong dahilan ng ilang Kongresista kung kaya’t hindi na ito umusad.
Pero paliwanag naman ni Bersamin na ang pahayag dati ni Pangulong Marcos ay opinyon lamang at hindi nag-uutos o nang-iimpluwensiya sa mga mambabatas.