
Sa maiksing pahayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, sinabi niya na ang Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Department of Justice (DOJ) ang mas nakakaalam sa mga bagay na may kinalaman tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Wala pang direktiba ang DFA sa embahada ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands kaugnay ng mga pangyayari kahapon.
Hindi aniya pamilyar ang DFA sa mga procedure ng International Criminal Court (ICC) sapagkat wala nang anumang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng ahensiya at ng ICC simula ng kumalas ang bansa sa ICC noong 2018.
Facebook Comments