COMELEC, tinawag na fake news ang nangyaring bilihan ng boto sa isang pagtitipon sa Hong Kong

Itinuturing na fake news ng Commission on Elections (COMELEC) ang report na may nangyaring bilihan ng boto sa isang pagtitipon sa Hong Kong.

Ito ay ang dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng mga pambato nito para sa 2025 midterm elections.

Base sa ulat, nasa 200 Hong Kong dollars umano ang ibinayad sa pumunta roon kapalit ng kanilang boto para sa 9 na kandidato ng dating Pangulo.


Pero ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi ito dapat agad na paniwalaan ng publiko lalo pa’t wala namang lumalantad o nagrereklamo na nabayaran sila.

Maging ang konsulada sa Hong Kong ay nilimaw na walang ganoong klaseng impormasyon hinggil sa pamimili ng boto.

Giit pa ni Garcia, sakali naman na may magreklamo, hindi nila maaaring masampahan ng kaso ang mga masasangkot dahil sa isyu ng hurisdiksiyon.

Facebook Comments