Tuesday, August 4, 2026

Muntinlupa LGU, binigyan na ng last warning ang mga tauhan na mahuhuling lalabag sa batas

Muling nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa mga kawani nito na hindi na pagbibigyan sakaling mahuling lumabag sa batas.

Sa nagiging pahayag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, nagsasawa na siya kakapatawag sa mga pasaway na tauhan ng lokal na pamahalaan kung kaya’t papauwin na lamang niya ito kapag napatunayang nagkasala.

Partikular na binalaan ang mga kasong napupuna at napo-post sa social media ng ilan empleyado dahil sa paglabag sa batas.

Ilan sa mga tinukoy ng alkalde ang mga kawani na ginagamit nang pang-personal ang mga government vehicle at mga nagmamaneho ng motorsiklo na walang suot na helmet.

Giit ni Biazon, napapadalas na ang reklamo ng publiko sa mga pasaway na empleyado ng lokal na pamahalaan kung saan muli niyang iginiit na hindi na tama at nararapat lamang na parusahan ang nagkakamali.

Aniya, dapat na manatili ang kredibilidad bilang law enforcers at public servants ng lahat ng nagta-trabaho sa Muntinlupa LGU kasabay ng pagbibigay ng serbisyo publiko.

Facebook Comments