Tuesday, July 21, 2026

DFA, kinundena ang pananakit ng China Coast Guard sa Philippine Navy personnel

Kinundena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panibagong insidente sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea, kung saan isang tauhan ng Philippine Navy ang nasugatan sa ulo.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng insidente.

Iginiit ng DFA na hindi katanggap-tanggap ang naturang karahasan sa Filipino personnel at gagawa sila ng kaukulang diplomatic action.

Tiniyak din ng DFA ang pagpapahalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga tauhan ng Pilipinas na lula ng BRP Sierra Madre.

Nabatid na nagtamo ang tauhan ng Philippine Navy ng serious head injury matapos matamaan ng wooden baton ng China Coast Guard kahapon ng umaga sa Ayungin Shoal.

Sa naturang insidente, nasira rin ang rubber boat ng AFP.

Nangyari ito nang dikitan ng China Coast Guard ang BRP Sierra Madre

Facebook Comments