
Tuloy pa rin ang face-to-face classes ngayong Biyernes, July 17 sa Mandaluyong National High School matapos mag-negatibo ang eskwelahan sa bomb threat.
Bukas umano ang eskwelahan para sa mga magulang na susundo sa kanilang mga anak, habang maaari pa rin naman umanong pumasok ang mga estudyanye na walang kasama sa kanilang mga bahay.
Samantala, hindi lang din ang nasabing paaralan ang nabulabog sa nasabing pagbabanta, kundi pati na rin umano ang Eulogio Rodriguez Integrated School, Mandaluyong Elementary School at Highway Hills Integrated School na agad namang ipinagbigay alam sa lokal na pamahalaan.
Sa kabilang banda, may mga nakahanda umanong hakbang ang nasabing paaralan para sa mental health ng mga estudyanteng natakot sa insidente, gaya ng reorientation at pagpupulong sa mga magulang.
Sa kasalukuyan, nakabantay pa rin ang mga tauhan ng barangay at Mandaluyong Police sa paligid ng mga paaralan para masiguro ang seguridad ng mga estudyante at personnel sa paaralan.










