
Nagsagawa ngayong araw ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan, kababaihan, at manggagawa para ipanawagan na pabagsakin ang umano’y imperialismo ng Estados Unidos sa bansa ngayong araw sa kahabaan ng Kalaw Avenue sa Maynila.
Ang nasabing kilos-protesta ay kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng ika-80 anibersaryo ng Fil-Am Friendship Day.
Ang nasabing kilos-protesta ay pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan para kondenahin ang pinalawig na presensya ng militar ng US sa Pilipinas, ang deployment ng mga missile systems, at ang paggamit ng teritoryo ng bansa bilang training ground, war playground at launching pad ng US .
Ayon kay Mong Palatino, Bayan Secretary-General ,kinokondena ng grupo ang pamahalaang Marcos dahil sa pagpapayag umano nito na paramihin ang base militar ng US sa bansa.
Sa ngayon mapayapang nagtapos ang kilos-protesta ng nasabing mga grupo kasabay din nito ang pagbaklas ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa bansa.










