DFA, nilinaw na Philippine passport holders lamang ang iisyuhan ng Hajj passports

154

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na holders lamang ng Philippine passport ang iisyuhan nila ng Hajj passport.

Layon nito na matiyak na hindi na mauulit ang nangyaring iregularidad sa pag iisyu ng Hajj passport noong nakalipas na taon


Iginiit din DFA na ang Hajj passport ay maaari lamang makuha sa consular offices ng departamento.

Magugunitang noong nakaraang taon nabunyag ang katiwalian sa pag-iisyu ng Hajj passport kung saan ilang Indonesian at Malaysian nationals ang naisyuhan ng Philippine Hajj passport.
DZXL558

Facebook Comments