Senator Trillanes, iginiit kay Pangulong Duterte na lunukin ang pride at magpasalamat sa tulong ng US troops

Manila, Philippines – Iginiit ni opposition Senator Antonio Trillanes IV kay Pangulong Rodrigo Duterte na lunukin ang pride at magpasalamat sa tulong na ibinibigay ng pwersa ng Amerika sa ating mga sundalo na nakikipagbabakan sa Marawi City laban sa Maute Terror Group.

Ang pahayag ay ginawa ni Trillanes kasunod ng kumpirmasyon ng US embassy na nagbibigay ng ayuda sa Armed Forces of the Philippines ang US Special Operations Forces.

Binigyag diin ni Trillanes, na dating Philippine Navy officer, na ito ay welcome development.


Malaki aniyang tulong sa ground troops ng AFP ang accurate tactical intelligence information na nagmumula sa US troops.

Ito ayon kay Trillanes ay para mas maging epektibo ang operasyon ng AFP sa Marawi at maiwasan ang mga sundalong nasasawi.
DZXL558

Facebook Comments