DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa malakas na lindol sa Indonesia

Walang Pilipino na nadamay sa 5.6 magnitude na lindol sa West Java, Indonesia.

Ito ay batay sa report na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Embahada ng Pilipinas sa Indonesia.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza, nasa 460 Pinoy ang naninirahan sa West Java.


6,700 naman aniya ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Indonesia.

Sa pinakahuling ulat ng Indonesian authorities, mahigit 160 katao ang namatay habang daan-daan ang nasugatan sa lindol sa West Java.

Nasa 2,000 bahay naman ang nasira habang 13,000 katao ang nananatili sa evacuation centers.



Facebook Comments