DFA, umaasang maisasabatas na ang Magna Carta for Seafarers kasunod ng Houthi attack sa Red Sea

Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na maisasabatas sa lalong madaling panahon ang Magna Carta for Seafarers.

Ito’y kasunod ng pagpapasabog ng missile ng Houthi rebels sa isang cargo vessel sa Red Sea, na kumitil ng dalawang Pilipinong seafarers.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) USec. Eduardo de Vega na anumang batas na magpapaunlad sa kalagayan ng mga marino ay dapat pirmahan sa lalong madaling panahon.


Gayunpaman, nirerespeto naman daw nila ang kagustuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng mga mababatas na ayusin at paggandahin pa ang panukala.

Tiniyak naman ni De Vega na itutulak nila ang ang pagsasabatas ng Magna Carta for Seafarers para sa kapakanan ng mga Pilipinong tripulante.

Facebook Comments