
Mas pinalawak at inilapit ng pamahalaan ang mga mental at health services para sa mga Overseas Filipino Workers at mga frontliner ngayong Oktubre para sa pagdiriwang ng National Mental Health Week 2026.
Binigyang-diin ni Constancio Paubsanon Jr., program manager ng Center for Wellness at National Center for Mental Health o NCMH 24/7 Crisis Hotline na patuloy ang pakikipagtulungan ng kagawaran sa Department of Migrant Workers o DMW, OFW Hospital, SIGLA Wellness Centers, at iba pang ahensya.
Ayon kay Paubsanon, mahalagang matiyak na may sapat na emotinal at mental health support ang mga OFW na nakararanas ng iba’t ibang hamon sa ibang bansa, gayundin ang mga tauhan ng DMW na araw-araw humaharap sa mga distressed na manggagawa at kanilang pamilya.
Dagdag pa nito, ang employee wellness ay hindi lamang aniya simpleng benepisyo kundi isang mahalagang sangkap para sa matatag at de-kalidad na serbisyo publiko.










