
Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lokal na pamahalaan na palakasin ang kanilang inisyatiba upang mapalakas ang pagsisikap ng pamahalaan sa paggiit ng ating karapatan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang mensahe ni DILG Assistant Secretary for International Relations Lilian M. De Leon sa paggunita ng 10th anniversary ng 2016 Arbitral Award sa Lingayen, Pangasinan.
Ani De Leon, ang isyu ng West Philippine Sea ay hindi lang maritime security o foreign affairs issue, sa halip malaki ang papel ng mga LGUs sa pagpapalakas ng coastal communities at sa paggiit ng pambamsang interes.
Tinukoy ni De Leon ang programang “Bayanihang Adhikain, Bayaning Aksyon Para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas” ng DILG, na nagbibigay kapangyarihan sa mga LGUs na igiit ang mga inisyatiba, gaya ng paglikha ng mga frontline coastal provinces na magpapatupd ng mga localized action plans na magsusulong ng maritime governance, environmental protection, food security at ng inclusive economic growth.
Sa kasalukuyan, walo sa sampung frontline coastal provinces ang nakakumpleto na ng provincial caravans, gaya ng Palawan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Zambales, Pangasinan, Occidental Mindoro, and Bataan.










