DILG, pagpapaliwanagin ng Malacañang kaugnay sa umano’y maling impormasyon sa pagkakasagip sa estudyanteng dinukot sa Taguig

Pagpapaliwanagin ng Malacañang si DILG Sec. Jonvic Remulla dahil sa umano’y maling impormasyon sa pag-rescue ng Philippine National Police (PNP) sa estudyanteng dinukot sa Taguig kamakailan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ito ay para makumpirma kung totoo o peke ang impormasyong lumabas kaugnay ng pag-rescue sa biktima.

Lumutang kasi ang balitang hindi PNP Anti-Kidnapping Group ang nakasagip sa biktima, taliwas sa iniulat ng PNP noong nakaraang linggo.

Pinangangambahan din na posibleng nabigyan ng maling ulat at impormasyon ang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa insidente.

Sabi ni Castro, mas magandang maberipika na mismo mula kay Remulla kung ano ang katotohanan sa balita para mabigyan din ng mas detalyadong sagot ang publiko kaugnay ng isyu.

Samantala, magiging abala naman sa pribadong sectoral meeting si Pangulong Marcos ngayong araw.

Facebook Comments