
Mula ngayong araw at tuwing Martes sa buong buwan ng Marso ay may handog na libreng sakay sa PITX para sa mga kababaihan ang Philippine Coast Guard.
Ito ay para sa pagdiriwang ng Women’s Month.
Ang libreng sakay ay tuwing Martes na nagsimula na ngayong araw March 4, pati sa mga susunod na Martes, March 11, 18, at 25.
Dalawang biyahe lamang ito na available tuwing alas sais ng umaga at alas singko ng hapon.
Matatagpuan ang libreng sakay na bus sa Gate 10, Bay 5 ng PITX.
Ang libreng sakay ay may biyaheng mula PITX papunta Mall of Asia sa Pasay at didiretso ng Cubao sa Quezon City at pabalik muli ng PITX.
Facebook Comments