
Lumagda sa isang kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC), Department of Science and Technology (DOST) at Department of Information and Technology (DICT) para mas lalo pang maging maayos at walang maging problema ang nalalapit na 2025 midterm elections.
Mismong sina COMELEC Chairman George Erwin Garcia, DOST Sec. Rebato Solodum at DICT Sec. Ivan John Uy ang nanguna sa nasabing aktibidad.
Sa pahayag ni Garcia, malaking tulong ang dalawang ahensiya ng pamahalaan sa mga ginagawang hakbang ng COMELEC sa nasabing halalan.
Aniya, sa simula pa lamang ay katuwang na nila ang DICT at DOST upang mas lalong maging handa ang lahat sa pagsasagawa ng automated election.
Paliwanag pa ni Garcia, ang dalawang ahensiya rin ang makatutuwang nila para labanan ang pagpapakalat ng maling impormasyon partikular sa sistema at makina na gagamitin.
Pagtutuunan din ng pansin ng COMELEC kasama ang DOST at DICT ay ang cybercrime na may kaugnayan sa eleksyon kung saan planong sirain ang kredibilidad at integridad ng halalan.