DILG Sec. Benhur Abalos Jr., binista ang mga payout center ng pamamahagi ng educational assistance ng DSWD

76

Nag-inspeksyon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., sa pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Partikular na pinuntahan ni Abalos ang National Vocational Rehabilitation Center sa Quezon City na nagsisilbi ring payout center.

Kasunod nito, pinasalamatan ni Abalos ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan para sa mas maayos na pamamahagi ng educational assistance sa ilalim ng programang AICS ng DSWD.


Binigyang-diin ni Abalos na hindi nila pinapayagan ang mga aplikanteng nagtatangkang mag-walk-in upang mapanatili ang kaayusan sa payout sites.

Facebook Comments