DILG, walang anumang komunikasyon sa mga imbestigador ng ICC

Walang anumang komunikasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC), kaugnay sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ni DILG Secretary Benjamin Abalos.

Ayon kay Abalos, walang datos ang ahensya hinggil sa issue, at wala rin siyang ibinaba na anumang kautusan sa Local Government Units (LGUs).


Nanindigan din ang kalihim, na susundin nila ang anumang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tungkol dito.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC, at hindi rin nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.

Facebook Comments