
Nananatiling masigasig ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa kabila ng impormasyong ibinahagi DILG Sec. Jonvic Remulla na mayroong umanong pumoprotekta rito.
Nabatid na si Dela Rosa ay wanted sa International Criminal Court dahil sa pagiging co-perpetrator sa kasagsagan ng War on Drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Allen Rae Co, tuluy-tuloy lang ang kanilang operasyon ngunit tumanggi itong idetalye ang binanggit ni Remulla dahil sa ito ay operational details na hindi pwedeng sabihin sa publiko.
Kaugnay nito, sa 117 na mga baril ni Dela Rosa, 91 pa ang hindi nasu-surrender sa PNP-Firearms and Explosives Office.
Naghahanda naman na ang pulisya sa legal police actions para tuluyan nang masamsam ang mga nasabing armas.
Samantala, tiniyak naman ni Co na nasa bansa pa rin si Dela Rosa.










