DIWA NG PASKO, RAMDAM NA SA TATLONG SM MALLS SA PANGASINAN!

Mga ngiti ng mga bata, saya ng mga pamilya at makukulay na Christmas lights ang bumungad sa magkakasunod na Christmas Tree Lighting ceremonies ng tatlong SM malls sa Pangasinan.
Unang nagningning ang SM City Rosales noong October 23, tampok ang 30-foot Christmas tree at temang “Christmas Express,” na may Christmas train, Santa Station at iba pang dekorasyong naghatid ng saya at diwa ng Pasko sa mga pamilya.

Ayon kay SM City Rosales Assistant Mall Manager Michelle Charlene B. Chua, layunin nilang maging bahagi ng masasayang alaala at tradisyon ng mga pamilyang Pangasinense tuwing Pasko.

Samantala, tila dinala naman sa isang winter wonderland ang mga pamilya sa SM Central Urdaneta noong October 24, tampok ang “Holiday Glitter & Glide Wonderland” na may kumikislap na Christmas displays, snowman at polar bear figures.

Para kay Mall Manager Abraham M. Malicdem, higit sa makukulay na dekorasyon, ang Pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagbibigayan at pagsasama-sama ng pamilya.

Sa SM Center Dagupan naman noong October 25, binigyang-buhay ang mga pangarap at simpleng kahilingan ng mga bata sa temang “Letters to Santa,” kung saan maaaring isulat at ihulog ng mga pamilya ang kanilang Christmas wishes sa Santa’s Mailbox.

Pinangunahan ni Mall Manager Eileen V. Delos Santos ang selebrasyong naghatid ng saya at makabuluhang sandali sa mga pamilya.

Sa kabila ng iba’t ibang tema, iisa ang mensahe ng tatlong SM malls sa Pangasinan: Ang tunay na ningning ng Pasko ay hindi lamang nagmumula sa mga ilaw at dekorasyon, kundi sa mga ngiti ng mga bata, pagmamahalan at masasayang sandaling pinagsasaluhan ng buong pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments