Friday, April 17, 2026

DMW, hawak na ang karagdagang ₱800-M na pondo para sa mga Pinoy na naapektuhan ng giyera sa Middle East

Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na natanggap na nila ang karagdagang ₱800-million na alokasyon para sa mga Pinoy na apektado ng giyera sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Cacdac, ang naturang pondo ay gagamitin para sa financial assistance para sa mga Pinoy na naapektuhan ng kaguluhan, gayundin sa pagpapauwi sa iba pang Pinoy.

Sa ngayon aniya, 4,500 na mga Pinoy mula Middle East ang nabigyan na nila ng tulong-pinansyal.

Kinumpirma rin ni Cacdac na 6,706 na mga Pinoy mula sa Gitnang Silangan ang napauwi na ng Pilipinas.

6,366 aniya rito ay Overseas Filipinio Workers (OFWs) at kanilang dependents.

Pinakamarami sa repatriates ay mula United Arab Emirates, sumunod ang Kuwait, Qatar, Bahrain, Saudi Arabia, Lebanon at Oman.

Ayon kay Cacdac, asahan pa sa mga susunod na araw ang pagdating ng mas marami pang mga Pinoy mula sa Middle East.

Facebook Comments