
Nasabat ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang mga operasyon ang mga umano’y puslit na sigarilyo sa Zamboanga Peninsula.
Noong August 7, naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos mahulihan ng 30 reams ng smuggled na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,050,000 sa Isabela City, Basilan.
Habang noong August 8 naman ay nakakumpiska ang mga operatiba ng 24 master cases at 30 reams ng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga naman ng mahigit ₱4 million sa Barangay Patalon, Zamboanga City.
Kaugnay nito, ang mga nasabing nakumpiskang sigarilyo ay walang graphic health warnings at Bureau of Internal Revenue (BIR) tax stamps.
Nahaharap naman sa mga kaukulang kaso ang suspek na naaresto ng mga operatiba.










