Do-or-die game ng Ginebra at Meralco, inaabangan na!

Sports – Excited na ang PBA fans sa nalalapit na pagtutuos ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts sa game 7 ng PBA Governor’s Cup.

Gaganapin ang laban sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan mamayang 7:00 ng gabi.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, mas lalo siyang nape-pressure sa dami ng supporters ng kanilang team na umaasang maiuuwi nila ang kampeonato.


Todong paghahanda naman ang ginawa ni Bolts Coach Norman Black lalo’t ito ang unang pagkakataon na umabot sa game 7 ng finals ang Meralco.

Huling nanalo si Black sa finals game 7 noong 1992 all-Filipino conference kung saan coach pa siya ng San Miguel Beer habang huling naglaro sa game 7 ang Ginebra noong ‎2008-2009 fiesta conference.
Huling nagharap sina Cone at Black sa game 7 noong 1995 Governor’s Cup kung saan coach pa ng Alaska si CONE at tinalo ang Beermen na koponan ni Black.

Facebook Comments