
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) ang tuloy-tuloy na deliveries ng langis sa mga mahahalagang sektor.
Partikular sa mga sektor ng transportasyon, logistics, power generation, agriculture, at industry.
Ito ay matapos na makumpleto na ang apat na shipments ng diesel na inangkat ng Pilipinas.
Kabuuang 178.33 million liters ng diesel ang dumating sa bansa sa loob ng isang buwan.
Ang naturang mga shipment ay ibinaba sa Batangas, Subic at Davao.
Facebook Comments










