Thursday, April 30, 2026

Posibleng rotational brown out, ipatutupad ng NAPOCOR dahil sa nararanasang krisis sa enerhiya

Nag-abiso ang National Power Corporation (NAPOCOR) sa posibleng rotational brownouts sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay NAPOCOR President Jericho Nograles, kabilang sa mga maapektuhan ay ang mga lugar na siniserbisyuhan ng mga Small Power Utilities Group (SPUG).

Ani Nograles, sa mga isolated areas o mga off grid communities ito ipatutupad.

Ito umano ang mga planta ng kuryente na pinapaandar gamit ang krudo.

Paliwanag ni Nograles, dahil limitado at malaki ang itinaas ng presyo ng krudo, nahihirapan ang mga power producers na mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon.

Kinakailangan umanong ipatupad ang rotational brownouts upang makatipid sa limitadong suplay ng krudo.

Tiniyak naman ni Nograles na sapat ang suplay ng kuryente sa ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments