Wednesday, September 2, 2026

PNP, pinaigting ang seguridad sa mga pumping station sa Metro Manila kasunod ng mga insidente ng pagnanakaw

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring pagnanakaw sa kagamitan ng pumping station ng pamahalaan.

Ito ay kasunod ng naiulat na pagnanakaw ng tinatayang walo hanggang 10 metro ng grounding cable mula sa Navotas pumping station, na naging sanhi ng hindi paggana ng pasilidad habang nakararanas ng matinding pagbaha ang Metro Manila.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., hindi ito isang ordinaryong krimen dahil nakukupermiso nito ang operasyon para sa pagkontrol ng baha.

Aniya, inatasan na nya ang mga himpilan ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at facility operators para paigtingin ang seguridad at magsagawa agad ng imbestigasyon para matukoy at maaresto ang nasa likod nito.

Tiniyak din nya na hahabulin nila ang mga sangkot at masasampahan ng kaukulang mga kaso.

Facebook Comments