DOH, nakapagtala ng 356 na bagong kaso ng COVID-19

Umabot na sa 38,320 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 356.

Batay sa Department of Health (DOH), sumampa na sa 3,678,598 ang kabuuang kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 3,580, 980 naman ang total recoveries at 59,298 ang mga nasawi.


Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 1,659 na kaso sa loob ng dalawang linggo, sinundan ng Region 4-A na may 636 at Region 6 na may 473 na kaso.

Facebook Comments