DOH, nakapagtala ng higit 33,000 na kaso ng ngayong araw

71

Nakapagtala ng 33,169 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 28,707 na kaso kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na naitalang kaso simula nang tumama ang COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 2, 998, 530 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 157,526 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 3,725 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,788,711 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52, 293 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 145 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 8 habang may sampung laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments