DOH, nakapagtala ng higit 600 na kaso ng COVID-19 sa buong bansa

87

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 603 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Dahil dito, nasa 13,853 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Mayroon namang naitalang 1,047 na gumaling sa COVID-19 kaya’t ang kabuaang bilang ng mga nakarekober ay nasa 2,771,536 na.


Nakapagtala naman ng karagdagang 156 na pumanaw kung saan ang total nito ay nasa 49,386.

Ayon sa pinakahuling ulat, dalawang mga laboratoryo ang hindi operational noong December 3, 2021 habang mayroong apat laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base pa sa datos, ang kontribusyon ng anim na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na nasuri at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal sa nakaraang 14 na araw.



Facebook Comments