Manila, Philippines – Sinisilip na ng Department of Justice (DOJ) ang ilang alegasyong isang empleyado ng DOJ ang nagkanlong kay Kenneth Dong sa Katarungan Village, Muntinlupa City kung saan siya naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dong.
Ang Katarungan Village ay housing project ng pamahalaan para sa mga empleyado ng DOJ.
Sinabi ni Justice Spokesman Under Secretary Mark Perete na nakikipag-ugnayan na sila sa NBI para sa mga susunod na hakbang.
Si Kenneth Dong ay isa sa mga akusado sa 6.4 billion pesos na illegal drug smuggling noong 2017.
Una nang inihayag ni Dong na may dinalaw lamang siyang kaibigan sa Muntinlupa City nang matunton siya ng mga tauhan ng NBI doon.
Facebook Comments