DOJ, kinontra ang akusasyon ng ICC na maliliit na kaso ng drug war lamang ang iniimbestigahan ng Pilipinas

439

Pumalag si Justice Sec. Crispin Remulla sa findings ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na maliliit na kaso lamang aniya ng drug war ang iniimbestigahan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Remulla, masyado pang maaga para maglabas ng akusasyon dahil nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon dito.

Hindi rin aniya kayang tapusin ng overnight ang pagsisiyasat sa drug war cases.


Pahirapan din aniya ang paghahanap ng mga testigo na makakatulong sa mabilis na pag-usad ng mga kaso.

Bukod dito, isa-isa aniya nilang hinihimay ang bawat kaso.

Facebook Comments