
Iginiit ng Malacañang na seryoso ang pamahalaan sa kampanya laban sa lahat ng uri ng krimen, kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na maaari umanong umupa ng gunman sa halagang ₱5,000 para pumatay ng isang tao.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung may alam ang Bise Presidente tungkol sa ganitong iligal na gawain, dapat niya itong ipaalam sa mga awtoridad upang makatulong sa imbestigasyon at pagpuksa sa mga responsable.
Sinabi rin ni Castro na bilang mataas na opisyal ng pamahalaan, nararapat na manguna si VP Sara sa paglaban sa krimen at hindi magbigay ng pahayag na tila nagbibigay ng ideya tungkol sa pag-upa ng assassin.
Kung totoo rin aniya ang ganitong kalakaran, bakit hindi ito agad naaksyunan gayong matagal nang nasa gobyerno ang bise presidente at naging pangulo rin ang kanyang ama.










