
Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino o anong grupo ag nagpakalat ng mga puting kabaong sa ilang lungsod sa Metro Manila kaninang madaling araw.
Partikular sa bahagi ng 7th Avenue sa Caloocan, Boy Scout Circle sa South Avenue, Quezon City, Chinese Consulate sa Bel-Air Makati at Plaza Sta. Cruz sa Maynila.
Nabatid na base sa paunang imbestigasyon, unang nakita ang kabaong sa Maynila sunod sa Caloocan, Quezon City at Makati City.
Base sa isang saksi na nakausap ng Manila Police District (MPD), isang van ang huminto saka ibinaba ng tatlong lalaki at isang babae.
Bawat kabaong ay may mga tarpaulin na may mukha ng ilang opisysl ng Chinese government sa labas at loob mg kabaong kung saan may nakasulat “Greedy Salot”
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon para malaman kung anong grupo ang nagpapakalat nito at kung ano rin ang motibo.










