
No comment ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa panawagan ng ilan na bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Sa Kapihan sa Manila Bay ngayong Miyerkules, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi na niya saklaw ang ganitong usapin.
Tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lamang aniya ang nagdidikta ng mga polisiya at patakarang panlabas ng Pilipinas.
Lumutang ang panawagan ng ilan na muling sumali ang Pilipinas sa ICC matapos na maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.
Naging bahagi ang bansa ng Rome Statute mula 2011 hanggang 2019 matapos kumalas ang Pilipinas sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Facebook Comments