
Duda si Vice President Sara Duterte sa mga ebidensyang gagamitin laban sa kanya sa impeachment trial partikular sa isyu ng confidential funds.
Ayon kay VP Sara, hindi niya tiyak kung ang mga dokumentong gagamiting ebisensya laban sa kanya ay ang mga papeles na isinumite ng Office of the Vice President.
Samantala, inihayag ni VP Sara na hindi pa niya tiyak kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas.
Ito ay bagama’t pauli-ulit aniyang sinasabi sa kanya ni dating Pangulong Duterte na umuwi na ito sa bansa.
Kinumpirma rin ng pangalawang pangulo na “very friendly” si dating Pangulong Duterte sa mga nasa loob ng International Criminal Court o ICC detention center.
Komportable rin aniya roon ang pangalawang pangulo at para lamang daw itong nasa hotel bagama’t hindi siya nakalalabas.