Sen. Bato, aminadong masama ang loob kay Sec. Eduardo Año

Inamin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na masama ang kanyang loob kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año matapos ang nangyaring pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, malungkot siya dahil isa si Año sa mga nakakaalam ng pag-aresto kay Duterte subalit hindi man lang nagbigay ng kortesiya o naabisuhan ang dating pangulo tungkol sa gagawing pagdakip.

Sinabi ni Dela Rosa, na hindi man lang nagawa ni Año na kontakin kahit ang isa sa mga staff ni Duterte noong nasa Hong Kong para abisuhan na aarestuhin na nila ang dating pangulo pagkauwi nito sa bansa.


Paglilinaw ng senador, hindi niya ikinasasama ng loob ang pagganap ni Año sa kanyang trabaho kundi mas personal ang kanyang pagtatampo rito.

Samantala, hinamon naman ni Dela Rosa si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na magsenador na muna para pakinggan siya ni Senate President Chiz Escudero.

Naunang sinita ni Manuel si Escudero sa planong pagkanlong kay Dela Rosa kung saan ipinaalala naman ng Senate president na ang parehong “institutional courtesy” ay ibinigay rin dati noon sa mga kasamahan nito na tinaguriang Batasan 5.

Facebook Comments