Friday, June 26, 2026

Estudyanteng kritikal na nasugatan sa shooting incident sa isang eskwelahan sa Tacloban City, ligtas na sa panganib

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) Regional Office VIII na ligtas na sa panganib ang isa sa walong estudyante na malubhang nasugatan sa shooting incident
sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ayon sa DepEd-Region 8, ang naturang estudyante ay nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Siya ay patuloy pa ring nasa ilalim ng pangangalaga ng Intensive Care Unit (ICU) sa Tacloban ACE Medical Center at patuloy na nagrerekober.

Sa naturang insidente, tatlo ang nasawi at 13 ang nasugatan.

Facebook Comments