DOJ, pinag-aaralan na ang pagrerekomenda sa ilang batas para tuluyan malabanan ang fake news

Handa ang Department of Justice (DOJ) na magrekomenda ng mga pagbabago sa umiiral na patakaran sa Cyber Libel Laws at iba pang cyber laws.

Ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin, sinusuri at pinag-aaralan na nila ang ilang mga probisyon sa nasabing batas para matukoy ang kinakailangang amyendahan para paigtingin ang paglaban kontra fake news.

Aniya, hindi dapat hayaan ang paglaganap ng fake news na isa sa malaking dahilan kaya nababago ang paniniwala ng bawat Pilipino.

Dagdag pa ni Remulla, pinag-aaralan na rin ng DOJ ang lahat ng aspeto para maglabas ng mga patakaran upang mapatunayan nila ang isang fake news maging ang mga parusa na nararapat dito.

Giit pa ng kalihim, dapat din mapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news kung saan walang dapat i-exempt maging sino man ito.

Hindi pa naman sigurado si Remulla kung kailan matatapos ang ginagawa nilang mga pag-aaral dahil nais nila na maging maayos ang paglalatag ng mga patakaran upang tuluyan nang matigil ang pagpapalalat ng fake news.

Facebook Comments