
Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang mga sangkot sa pagnanakaw sa ilang kagamitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Diokno Boulevard sa harap mismo ng Senado.
Ninakaw ang mga wiring, pannel board, breaker at starter ng generator ng pumping station ng DPWH sa area.
Sinabi ni Ramon Minguito, head operator ng pumping station kanina lamang niya napansin na wala nang laman ang generator ng pumping station matapos magsagawa ng inspeksiyon ngayong umaga.
Noong mga nakaraang buwan, ininspeksiyon ni Pangulong Bongbong Marcos, DPWH Sec. Vince Dizon kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin at Pasay City Mayor Emi Calixto ang pumping station para tiyaking gumagana ito ng maayos.










