Wednesday, October 14, 2026

Mga kabataan, nagsagawa ng kilos-protesta sa harap ng tanggapan ni VP Sara sa Mandaluyong City

Nagsagawa ng youth rally ang ilang estudyante sa harap ng tanggapan ng Office of the Vice President o OVP sa Robinsons Cybergate, EDSA Corner Cybergate Street sa Mandaluyong City.

May kaugnayan ito sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ang kilos protesta ng mga kabataan ay may temang “Hatol ng Kabataan: Sapat ang Ebidensya! Convict VP Sara!.”

Layunin ng mga kalahok na ipahayag ang kanilang panawagan kaugnay ng pagpapatuloy ng impeachment proceedings.

Ayon kay Rafael Yulo, isa sa mga estudyanteng sumama sa rally, nais kasi nilang humarap mismo ang pangalawang pangulo sa impeachment trial para sagutin ang katanungan kaugnay sa mga ibinabato sa kanyang mga alegasyon.

Facebook Comments