Domestic flight ng CebuPac at Cebgo, ililipat mula Terminal 2 sa Terminal 1 sa Mactan International Airport

40

Inihayag ng Cebu Pacific na simula Hunyo 16, 2022, lahat ng Cebu Pacific at Cebgo Domestic flights ay ililipat mula Terminal 2 papuntang Terminal 1 sa Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Naipadala na ang mga abiso sa lahat ng apektadong pasahero.

Hinihikayat ang mga nag-book sa pamamagitan ng isang travel agent o anumang ibang third party na i-update ang kanilang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Cebpac Manage Booking portal para makatanggap ng mga notification sa email sa mga paalala at update sa flight.


Pinayuhan ang mga pasahero na bago pumunta sa Airport, dapat suriin ang mga kinakailangan Protocols sa paglalakbay.

Facebook Comments