DOST, naghahanap na ng volunteers para sa VCO study

52

Nagsimula nang mag-recruit ng volunteers ang Department of Science and Technology (DOST) para sa pag-aaral sa bisa ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang supplement sa mga may moderate o mild cases ng COVID-19.

Ito ay para kumpirmahin ang findings ng isinagawang clinical trial sa Sta. Rosa, Laguna kung saan lumabas na nakakatulong ang VCO para mapabilis ang paggaling ng pasyenteng pinaniniwalaang may COVID-19.


Ayon kay DOST-Food and Nutrition Research Institute Director Imelda Angeles-Agdeppa, naghahanap na sila ng mga pasyenteng nasa emergency hospital at LGU facility ng Valenzuela.

Ang efficacy ng VCO ay susubukan din sa mga pasyenteng may moderate at severe COVID-19 symptoms gayundin sa may mga comorbidities na nasa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Facebook Comments