DOST, nagsasagawa ng Science and Technology fair sa Valenzuela City

Valenzuela City – Binibigyan ng pagkakataon ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga partner nitong Filipino scientist, engineers, researchers at inventors na maitampok ang kanilang mga likha sa isinasagawang Science and Technology fair sa Valenzuela City People’s Park.

Ayon kay Warren Gomez, DOST CAMANAVA Cluster Director, tinatayang nasa 38 mga exhibits mula sa mga estudyante, NGOs, DOST accredited inventors at iba pang government agency ang itinatampok sa nasabing fair.

Ilan sa mga exhibit ay demo ng mga machines, setup products, at mayroon ring food bazaar.


Nagsimula kahapon, tatagal ang nasabing fair hanggang sa Huwebes (September 7).

Iniimbitahan ng DOST ang publiko, mga interesadong buyers na dumaan sa nasabing fair.

At para naman sa mga indibidwal, bata man o matanda na mahilig mag-eksperimento o mag-imbento na makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga tanggapan para sa karagdagang impormasyon kung paano makakasali sa Science and Technology fair sa susunod na taon.

Facebook Comments