DOT, aminadong malaki ang maitutulong sa turismo ng Pilipinas sa pagtatapos ng public health emergency of international concern ng COVID-19

Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang pagdedeklara ng World Health Organization (WHO) ng pagtatapos ng international public health emergency concern sa COVID-19.

Ayon sa DOT, ito’y isang magandang indikasyon na magiging maluwag na ang COVID-19 restrictions sa bansa at mas dadami na ang tutungong foreign tourist sa Pilipinas dahil sa naturang deklarasyon ng WHO.

Dagdag pa ng kagawaran na malaki ang magiging implikasyon nito sa ekonomiya ng Pilipinas partikular na sa mga mamamayan na magkaroon ng karagdagang trabaho at maipagpapatuloy pa ng DOT ang kanilang hangaring maging tourism powerhouse ang Pilipinas sa buong Asya.


Facebook Comments