
Nasa kamay na ng Senate Impeachment Court kung padadalhan ng subpoena si Vice President Sara Duterte (VPSD) para tumestigo sa kaniyang sariling Impeachment Trial.
Pahayag ito ng Malacañang matapos sabihin ng prosekusyon na plano nilang ipatawag ang pangalawang pangulo sa nagpapatuloy na paglilitis.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang Senado ang magpapasya kung papayagan ang nais ng prosekusyon.
Binanggit pa ni Castro na dati na ring sinabi ni VPSD na gusto umano niya ng “bloodbath” at handa siyang harapin ang mga ibinabatong alegasyon.
Samantala, sinabi pa ni Castro na hindi napapag-usapan sa ngayon ang takbo ng impeachment trial pero nananatiling updated si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng nangyayari sa bansa.










