“Libreng Sakay Program”, posibleng umabot pa sa Marcos admin

216

Posibleng umabot pa sa Marcos Administration ang “Libreng Sakay Program” ng pamahalaan.

Ito ay matapos na inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na hindi pa magtatapos sa darating na June 10, 2022 ang Service Contracting Program.

Ayon kay Delgra, nasa ₱7 bilyon ang inilaan para sa pagpapatupad ng naturang programa sa taong 2022 at gagamitin aniya ito hanggang sa maubos.


Kasabay nito, tiwala si Delgra na itutuloy ang programa ng susunod na administrasyon.

Sinimulan ang Phase 3 ng naturang programa noong nakaraang Abril.

Facebook Comments