DOTr, nagbukas ng 2 busway stations sa Roxas Boulevard at Taft Avenue

54
Photo Courtesy: Department of Transportation - Philippines

Binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang dalawang busway stations, sa Roxas Boulevard at Taft Avenue.

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na bahagi ito ng commitment ng Marcos administration na mapagbuti pa ang road transport sector.

Sa pamamagitan ng dalawang EDSA Busway, mapapaiksi na lang ng mula 1 oras at 30-minuto ang biyahe ng mga commuters na manggagaling ng Mall of Asia sa Pasay City patungong Monumento sa Caloocan.


Ito’y mula sa dating biyahe na 2 hanggang 3 oras.

Pinasalamatan naman ni Bautista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa paglalagay ng dagdag na mga ganitong pasilidad para maibsan ang hirap ng mga commuters.

Facebook Comments