Monday, October 12, 2026

Unexplained wealth ni VP Sara, posibleng umabot ng ₱1.5-B

Posibleng mas mataas pa sa ₱817 million ang unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte kung hindi conservative ang computation sa mga hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte.

Bago magtapos ang Day 38 ng impeachment trial ay naitanong ni Presiding Officer Chiz Escudero kay forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera na magkano ang maximum o hangganan ng aabutin na undeclared assets ni VP Duterte kung hindi sila conservative o maingat sa computation ng mga unexplained wealth.

Ayon kay Cabrera, posibleng umabot sa ₱1.5 billion ang maximum amount ng hindi deklaradong yaman ni VP Duterte para sa taong 2022 hanggang 2025.

Sinabi ni Cabrera na kung isasama ang ₱475 million na confidential funds, ₱100 million na discrepancy sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) records at ₱250 million mula sa GenCorp Industries Inc., sa kaniyang tantya ay aabot pa ang hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte sa ₱1.5 billion.

Ibabawas naman kung may liability ang unexplained wealth ng bise presidente.

Samantala, binanggit naman ni Escudero sa Impeachment Court ang manifestation ng prosecution team na ilaglag na ang Article 3 o ang Bribery sa impeachment complaint ni Duterte.

Tinapos na rin bago mag alas sais ng gabi ang pagtatanong sa huling witness ng prosekusyon na si Cabrera at bukas ay ipagpapatuloy ang impeachment trial para talakayin ang ilang administrative matters.

Facebook Comments