DPWH Region 2, humingi na ng tulong sa mga eskperto para suriin ang bumagsak na tulay sa Isabela

Nagpapasaklolo na ang Region 2 ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang mga eskperto sa Central Office para suriin at imbestigahan ang nangyaring pagbagsak ng tulay sa Cabagan-Sta. Metia Road sa Isabela.

Sa inilabas na statement ng DPWH, hiningi ng kanilang Regional Office ang tulong ng mga mahuhusay na engineers ng Bureau of Design (BOD) at Bureau of Construction (BOC).

Ito’y upang mapag-aralan kung ano ang naging tunay na dahilan ng pagbagsak Cabagan-Sta. Maria Bridge.

Ang nasabing tulay ay sinimulan gawin noong 2014 at natapos lamang noong February 1, 2025 na ginastusan ng mahigit P1.2 billion.

Ang pagdaan ng isang dump truck na may kargang graba at malalaking bato ang isa sa mga sinisilip na dahilan ng pagbagsak ng tulay dahil lumampas daw ito sa itinakdang bigat ng mga dapat na dumaan sa nasabing tulay.

Facebook Comments