
Patuloy na pinalalakas ng Globe ang kampanya laban sa online scam habang gumagawa ng mga bagong modus ang mga cybercriminals.
Ayon sa Globe, hindi sapat ang iisang solusyon dahil mabilis magpalit ng taktika o strategy ang mga scammer sa tuwing napipigilan ang kanilang operasyon.
Kabilang sa mga hakbang ng Globe ang pagharang sa mapanlinlang na links, pagsugpo sa SIM box operations, at pagbabantay sa kahina-hinalang aktibidad.
Nagbabala rin ang kompanya sa banta ng ilegal na IMSI Catchers o pekeng cell towers na ginagamit sa panloloko.
Kasunod nito, hinikayat ng Globe ang publiko na maging mapanuri, huwag magbigay ng sensitibong impormasyon, at agad iulat ang anumang kahina-hinalang mensahe o aktibidad sa kanilang opisyal na mga channel.
Facebook Comments










